Walang magaling mag blog, magaling mag sulat, marami.
|
Walang magaling mag blog, magaling mag sulat, marami. Hindi ka niya mahal, sadyang wala lang siyang ibang mapag tripan.Ito yung ayaw ko eh nasarahan ako ng school puta di ako umabot sa oras azar sayang effort sayang pamasahe sayang ligo sayang outfit sayang pagod sayang pawis ughh lahat na sayang hahaha bwisit hahahaha buti naka bili ako ng malalamon sa mcdo hehe ge bat ganon di ko pala nilalagyan punctuation marks tong post ko na to habang tinatype ko hahahahaha magulo ba hu alam niyo ba kung saan hihinto sa pag babasa haha leche dami ko sinabi so yon kakauwi ko lang hello ulit tara kain mwa Hot ni vhong, anyare kay teddy. :c Bago ka manlait, paki check muna yang you’re at your mo. (Source: paaaaatricialicious)
Kung mahal mo, ipaglaban mo. Hangga’t kaya mo, tiisin mo. Para sa huli wala kang pagsisihan o panghihinayangan. Dapat bawat bagay na meron ka, pahalagahan mo. Kasi malalaman mo lang yung halaga niyan sa buhay mo kapag nawala na sayo. Wag mong hahayaang dumating ka sa point na pagsisisihan mo na pinakawalan mo siya. Kasi ikaw lang rin naman yung mahihirapan e. Tapos yung bigla mo nalang mapagtatanto na sana pala hindi mo siya iniwan. Sana pala pinaglaban mo yung relasyon niyo. Tandaan mo, minsan hindi solusyon ang pag suko. May mga problema lang talaga na dumadating sa buhay natin para mas maging matatag tayo. Wag kang basta basta bibitaw kung sa huli ayaw mong may pagsisihan ka. (Source: paaaaatricialicious)
Pakiramdam niyo ba, ganoon kadali makalimot? Pakiramdam niyo ba, napaka simple lang mag move on? Hindi. Kasi bawat sasabihin ko sa sarili ko na kalimutan ko na siya, halos lahat samin dati nag fflashback. Para bang nasasayangan ako. Para bang gusto kong ibalik. Hindi ko maiwasan na hindi umasa. Umasa na ako parin yung mahal niya. Ang hirap kasi sa pagmomove on, gusto ng utak mo pero ayaw pa ng puso mo. Hinahanap hanap mo parin siya, para bang di mo kaya na wala siya. Kaya hindi niyo masisisi yung iba kung hirap sila makalimot. Kasi hindi talaga ganoon yun kasimple at kadali. Mahirap tanggapin na wala na, mahirap tanggapin na tapos na kayo, mahirap tanggapin na may mahal na siyang iba, mahirap tanggapin na habang siya nagpapakasaya sa bago niya, ayan ka, hirap na hirap parin na kalimutan siya. Akala ng iba, sapat na yung mga advice nila. Akala ng iba sobrang dali makamove on. Hindi eh. Mabigat kasi sa pakiramdam. Pakiramdam mo kapag nilet go mo siya hindi mo makakaya. Alam niyo yung ganoong pakiramdam. Ang dali sabihin na “mag momove on na ako” pero sa totoo lang talaga mahirap panindigan. Lintik na pride yan.
Minsan, naiisip ko nalang na dapat tapusin na natin itong kung anong meron tayo. Naiisip ko na; tama na, kasi masakit na. Sinasabi rin ng utak ko na pakawalan ka na, pero yung puso ko hindi sumasangayon. Para bang kapag ni-let go kita, may malaking part sa buhay ko ang mawawala. Bakit ko nga naman ba papakawalan yung taong mahal ko dahil sa mga simpleng pag aaway lang? Bakit ko naman papakawalan yung taong mahalaga sakin kung sa huli ay pagsisisihan ko lang? Oo may mga bagay na dapat ng pakawalan, pero mahal kita. Hindi ko kaya. Lahat naman ng bagay may solusyon diba? Lahat ng away pwede namang maayos. Kaya mas pinipili kong mag stay para sayo dahil ikaw ang mahal ko. Oo siguro may mga bagay na maaaring dahilan para iwan kita pero mas marami parin akong rason para hindi ka i-let go. Hindi ako tanga para pakawalan pa ang tulad mo. :) (Source: paaaaatricialicious) Hello gais! Kakauwi ko lang. :D Ayon, namiss ko kayo tapos syempre kayo hindi ako namiss. what umpisa palang ng kwento nag drama na hahahaha. Ginising ako mga 10 kasi mag papaadjust ako ng braces. tapos kaya tinatamad akong mag paadjust kasi ang layo ng dentist ko. mula samin 1 hour and 30 mins yung biyahe. mas matagal pa akong bumyahe kesa nag paadjust haixt diba naman. Nung pagkatapos iadjust, sinabihan ako na every two weeks daw dapat ako bumabalik don. ano ba ang mahal ng pamasahe, pera ko lang kaya gamit ko wala ba silang konsiderasyon char :c para makapunta don kelangan ko ng 300 wala pa pangkain ko jan. kamusta bulsa ko kung every two weeks ganon sayang kaya. Ang dami ko bang reklamo hahahahaha green na kulay ng rubber ko ngayon. save mother nature ang peg ko wag ka hahaha porke green e no xh3t. Tapos yung tiyan ko nagtatampo na kaya dumaan ako sa mcdo kung ano ano binili ko huhu di ko naman nakain ng maayos kasi nga ang sakit ng ngipin ko dahil sa adjust. parang tanga diba hindi ako nagiisip hahaha. Bale pagkatapos kong kumain nag text si eunice, nandun daw sila kina sancho nakikipag lamay. si Sancho yan yung ano, kaibigan naming namatay :( kaya pinuntahan ko sila. Nasa pampanga ako tapos yung bahay nina sancho sa tarlac pa. wala akong choice kundi mag commute hahaha. kahit kasi magkatabi lang pampanga tska tarlac malayo parin. wala eh konting tiis, sakto pa umuulan kanina hirap makapunta don sakanila halos walang masakyan kasi ang lakas ng ulan tapos nilalakad pa buti may payong ako. dinatnan ko sila don bale yung mama niya iyak ng iyak. kasi ganito yan, yung mama niya nasa ibang bansa. tapos ang sabi lang sakanya na ICU si sancho kaya umuwi ng pinas. hindi nila agad sinabi na patay na. kanina lang siya dumating galing sa airport, kaya nung pagkauwi niya sa bahay nila, shoot. nakita niya nasa kabaong na anak niya.. ang lakas ng iyak ng mama niya kanina, hindi halos mapakalma. ang sakit yata non no, kasi nasa ibang bansa ka, tapos may nangyaring masama sa anak mo. diba naman :( tas yung si Sancho may girl friend yon. Si Bhea. tropa din namin si bhea e, tapos ayon iyak parin siya ng iyak, suot niya pa yung shirt at singsing na bigay sakanya ni sancho. mahal na mahal niya talaga yon eh. 2 years and 5 months kaya sila, ang tatag diba tapos biglang ganyan mangyayare. ang unfair ng buhay no? pero siguro may plano si God kaya ganon. tapos nung naman tinignan ko si sancho dun sa may kabaong, parang hindi ako makapaniwala na wala na talaga siya. kasi naman eh, kaibigan namin yun eh. naano pa ako kasi may tahi siya sa leeg ang haba, pati ang daming sugat sa mukha niya hindi natakpan ng concealer yung iba. T.T medyo naka get over naman na ko dun sa nangyare. wala eh, oras niya na e. ganon talaga, may mga bagay talaga na masakit pero kailangang tanggapin. diba. kasi nangyari na eh, wala na, tapos na, di na mababago yun. :( so ayon ayoko na masyado isipin nakakalungkot lang lalo eh basta yon. Ngiti ngiti! :) ang sarap ko guys, este ng cookies n’ cream na ice cream <3 Mas masakit pala kapag yung mismong parents mo ang nag ddown sayo. Nasusuka ako haixt buntis na ba ko :c de kasi nga sinisinat ako diba hahaha lumalayo ako sa laptop baka masukahan ko puta hahahahahaha ano ba yan natatawa pa ko sa mga nagsesend ng audio sa wechat lalo na kay elay hahahaha kumakanta siya pota kala ko tumutula eh ayon ge
Minsan gusto ko nalang mapag isa.. Yung makakapag isip isip ako tungkol sa mga bagay bagay. Yung malayo ako sayo. Yung malayo ako sa mga tao na walang ibang ginawa kundi ang saktan lang ako. kapag mag isa lang ako, walang nangingialam. Kapag mag isa lang ako, oo malungkot, pero at least malayo ako sa mga taong nagiging dahilan ng pag iyak ko. Mas maganda nga kapag ganun e, kasi ako lang naman yung nakakaintindi sa sarili ko. minsan talaga mas masarap yung mapag isa at malayo ka sa iba, para naman sana malaman nila yung halaga mo kapag wala ka na. (Source: paaaaatricialicious) Kung wala kang pake ade sana di ka na nagpost tungkol dun. |